Gobyerno walang pondo para sa bagong ayuda

INAMIN ni Budget Secretary Wendel Avisado na walang pondo para tustusan ang panukalang Bayanihan 3 na naglalayong magbigay ng P1,000 ayuda para sa lahat ng Pilipino.


Sa isang panayam, sinabi ni Avisado na sa kasalukuyan ay tatlong batas ang tinutustusan ng pamahalaan, kabilang na ang pagpapalawig hanggang Hunyo 30, 2021 ng Bayanihan 2; pagpapalawig ng implementasyon ng 2020 budget hanggang Disyembre 31, 2021, at ang kasalukuyang 2021 General Appropriations Act.


Ani Avisado, 58 porsyento ng pondo ng gobyerno ay galing sa utang at 42 porsyento lamang ang nagmula sa kita ng pamahalaan.


Dagdag niya na mapipilitan muling mangutang ang pamahalaan kung ipapasa ng Kongreso ang panukalang batas.


“Yun nga lang ang isyu nga kailangang pag-uusapan, saan manggagaling ang pondong gugugulin diyan?” sabi ni Avisado.