Naniniwala si Pangulong Duterte na tanging pagdanak lamang ng dugo ang solusyon kung nais ng Pilipinas na igiit ang karapatan nito sa West Philippine Sea sa harap naman ng pananatili ng pwersa ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
“Ang akin niyan is walang iba, gera lang. If we promote a war against China and America, medyo siguro mamadalian. Pero at what cost to us? Iyan ang problema, iyan talaga ang problema,” ayon sa Pangulo.
But we can retake it only by force. There is no way that we can get back the tawag nilang Philippine Sea without any bloodshed,” dagdag pa niya.
Inilabas ni Duterte ang pahayag matapos umugong na may nagbabantang patalsikin siya sa pwesto dahil sa kawalang aksyon ng kanyang pamahalaan laban sa China.
Idinagdag pa ni Duterte na hindi rin mananalo ang Pilipinas sakaling makipaggera sa China.
Ayon kay Duterte, duda rin siya kung tutulong ang Amerika sa kabila ng umiiral na Mutual Defense Treaty sa pagitan ng dalawang bansa.
“I don’t know if I’m right — only if we are being attacked and assaulted. It does not include a war that is initiated by us,” aniya.