ITINALAGA ngayong Huwebes ni President-elect Bongbong Marcos ang abogadong si Cheloy Garafil bilang chair ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Kasalukuyang Service Director ng committee on rules sa Kamara si Garafil.
Bago ito, nagsilbi rin siyang prosecutor sa Department of Justice at State Solicitor sa tanggapan ng Solicitor General. Dati rin siyang reporter.
Si Garafil ay asawa ng dating kolumnista ng Publiko na si Eric Garafil.