Gadon sinabing HIV positive si Noynoy, pinasisibak sa IBP

NAKATAKDANG maghain ng reklamong disbarment sa Integrated Bar of the Philipines (IBP) at sampahan ng kasong kriminal ng HIV advocacy group na The Red Whistle ang abogadong si Larry Gadojn makaraan nitong ipahiwatig na HIV positive ang namayapang si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.


Sa kanyang programa sa radyo na Karambola, sinabi ni Gadon nitong Huwebes na hindi na gumaling sa kanyang mga sakit si Aquino dahil sa HIV.


“The Red Whistle strongly condemns in unequivocal terms a statement made by Atty. Lorenzo “Larry” Gadon, maliciously imputing that former President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III had HIV, in violation of Republic Act No. 11166 or the Philippine HIV Policy Act,” sinabi nito sa kalatas.


Sumakabilang-buhay si Aquino nitong Huwebes dahil sa diabetes.
Ayon sa grupo, maaaring kasuhan si Gadon ng paglabag sa section 44 ng RA 11166 na naggagarantiya sa “confidentiality and privacy of HIV-related information including the fact of HIV testing, actual, perceived, or suspected HIV infection, and treatment.”
May parusa na kulong na hanggang limang taon at multa na hanggang P350,000 ang sinumang mapatutunayang lumabag sa nasabing batas.


“As a lawyer, Atty. Gadon violated Rule 1.01 of the Code of Professional Responsibility, which holds that ‘A lawyer shall not engage in unlawful, dishonest, immoral, or deceitful conduct’,” dagdag ng grupo.


“Statements laced with malice like the one made by Atty. Gadon fuel HIV-related stigma and discrimination and offer no help in addressing the HIV epidemic in the country, which has the fastest rising number of new infections in the world,” sabi pa nito.