Radio station nagsori sa sinabi ni Gadon vs Noynoy

HUMINGI ng paumanhin ang dwIZ radio station sa pamilya at kaibigan ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa mga pahayag ng kanilang host sa programa nito noong Huwebes.


Hindi pinangalanan ng radio station ang pangalan ng host pero sinabi ng The Red Whistle na maghahain ito ng reklamong disbarment laban kay Atty. Larry Gadon na nagpahiwatig na HIV positive si Aquino sa radio program nito na Karambola.


“The management has taken action about this uncalled for comments and will not tolerate this kind of incident,” ayon sa dwIZ.


“We sincerely would like to extend our condolences to the bereaved family and the whole nation,” dagdag nito.