ILANG buwan nang may sakit si dating Pangulong Fidel V. Ramos bago siya namatay, ayon sa isang dating miyembro ng kanyang Gabinete.
Sinabi ni dating Justice Secretary at Solicitor General Silvestre Bello III, hindi sila pinayagang bumisita kay Ramos noong kaarawan nito noong Marso.
“We didn’t know until ‘yung last March we attempted to visit him ganun ka serious ang sakit niya. Akala namin part of his aging na,” ayon kay Bello.
Ikinagulat umano niya ang pagkamatay ni Ramos.
“I didn’t know it was that bad because you know knowing the physique of former President Fidel V. Ramos, hindi ka maniwala na magkakasakit ng ganun, napakatibay ng katawan,” aniya.
Inanunsyo ng pamilya ni Ramos ang pagkamatay nito noong Linggo subalit hindi binanggit ang naging sanhi nito. Si Ramos ay 94 nang pumanaw.