From mayor to president to mayor: Digong hihirit uli sa Davao City

BALIK-pinuno ng Davao City ang hirit ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong maghain ng kanyang certificate of candidacy nitong Lunes, Oct. 7, 2024.

Kasama ni Digong ang kanyang asawa na si Honeylet Avancena at anak na si incumbent Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte nang magtungo sa Commission on Elections (Comelec) para maghain ng kanyang kandidatura.

Si Baste naman ay naghain din ng kanyang COC bilang vice mayor ng kanyang ama.

Ang kasalukuyang vice mayor naman ni Baste na si Jay Melchor Quitain ay naghain ng kanyang COC bilang konsehal sa unang distrito.

Samantala, ang apo ni Duterte na si Omar, na kasalukuyang barangay captain ng Buhangin ay tatakbong kongresista sa ikalawang distrito ng Davao City.

Si Omar aya anak ng incumbent First District Rep. Paolo Duterte na naghain na rin ng kanyang kandidatura para sa reelection.