Friendship nina Duterte, Pacquiao buo pa rin’

ITINANGGI ng Palasyo na nagkakalamat na ang relasyon nina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Manny Pacquiao.


Sa briefing, iginiit ni presidential spokesperson Harry Roque na nananatiling maayos ang samahan nina Duterte at Pacquiao.


“I don’t think there is a falling out. Hanggang ngayon po nananatiling napakalaking fan ni Senator Pacquiao ang ating Presidente sa larangan ng palakasan lalo na sa larangan ng boxing. Hanggang doon na lang po tayo,” sabi ni Roque.


Ito ang reaksyon ni Roque sa pahayag ni Pacquiao na hindi ito kuntento sa nagiging pagtugon ni Duterte sa isyu ng pananatili ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.


Ipinagtanggol din ng opisyal ang Duterte administration na bagaman tila sinasakop na ng China ang mga isla sa WPS, hindi naman nagtatayo ng imprasraktura ang mga ito.


“Nagtagumpay po ang Presidente kasi sa kanyang administrasyon wala pong bagong reclamation ginawa ang China, wala pong bagong mga refurbishment na ginawa sa mga artificial islands ng China. Ito po iyong isa sa mga major na kasunduan na nakamit ng Presidente at hindi po iyan mabubura ng ating mga kritiko,” giit ni Roque.