FLYING colors ang ibinigay na garado ni Speaker Martin Romualdez kay Pangulong Bongbong Marcos sa unang 100-araw nito bilang lider ng bansa.
Partikular na minarkahan ng “great job” ni Romualdez si Marcos dahil sa pagbuo nito ng national budget para sa susunod na taon na siyang tutugon sa mga pangangailangan ng bansa at upang masiguro na maayos na maipatutupad ang programa ng kanyang administrasyon.
“I think the President has done great things in the government, particularly in his Cabinet. And his policies are very clear. On the part of the House of Representatives, we affirmed his fiscal framework (as contained in the proposed 2023 national budget) along with the
Senate,” ayon kay Romualdez.
“We passed his budget on third reading so we’re well on our way. That’s the most important piece of legislation. That’s the national budget for 2023, so my assessment is that he’s done a great job,” dagdag nito.
Good job din anya si Marcos sa mga ginawa nitong pagbisita sa Indonesia, Singapore at Estados Unidos para maibida ang bansa at makakuha ng mga investors.
“He has also done a wonderful job in engaging our friends in the international community whereby foreign direct investments would be coming,” he declared.