MAY sablay pa rin si Executive Secretary Vic Rodriguez hinggil sa sugar importation scandal, ayon sa bukod na report ng Senate minority bloc.
Sa minority report na inilabas nina Senador Risa Hontiveros at Koko Pimentel hinggil sa isinagawang tatlong araw na pag-iimbestiga ng Senate blue ribbon committee, sinabi nito na hindi “entirely blameless” na maituturing si Rodriguez sa nasabing iskandalo.
Nauna na ring kinontra ni Hontiveros ang tila pagmamadali ng blue ribbon committee sa pangunguna ni Senador Francis Tolentino, na tapusin ang imbestigasyon, lalo pa’t may mga isyung hindi pa natalakay nang husto.
Gayunman, kailangan maglabas ng sarili nitong report ang minorya hinggil sa sinasabi nitong may sablay pa rin si Rodriguez hinggil sa inisyung Sugar Order 4.
Narito ang kadahilanan na inisa-isa ng minorya:
“There is a clear, actual, indubitable, and undeniable existing sugar shortage, which is dangerous if insufficiently and/or inadequately addressed. Executive Secretary Victor D. Rodriguez is not entirely blameless in the so-called fiasco behind Sugar Order (SO) No. 4.
“The series of actions of Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian, Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica, and board members Ronald Beltran and Aurelio Valderrama Jr. had overwhelming badges of good faith.
“The recommendation of the majority to initiate administrative and criminal charges against Usec. Sebastian et al., and to issue a lookout bulletin are lacking factual and legal basis.
Sa press conference, sinabi naman ni Hontiveros na nagkulang si Rodriguez na bigyang proteksyon ang kanyang principal o si Pangulong Bongbong Marcos.
“Nagkulang siya dahil lumalabas, hindi niya timely at kumpletong ini-inform si Presidente sa progress nitong prosesong ito that led to Sugar Order No. 4,” dagdag ni Hontiveros.