ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos si dating Philippine National Police chief Camilo Cascolan bilang Undersecretary ng Department of Health.
Pinalitan ni Cascolan si Roger Tong bilang Undersecretary ng DOH.
Itinala rin ni Marcos si Atty. Charade Mercado-Grande bilang Assistant Secretary ng DOH.
Nananatiling Officer-in-charge ng Kagawaran si Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nagsilbi si Cascolan bilang PNP chief mula Setyembre hanggang Nobyembrw 2020. Hindi siya doktor.
Itinalaga siya bilang undersecretary Office of the President noong Pebrero 2021.