KINUMPIRMA ng tagapagsalita ni presumptive president Bongbong Marcos ang nakatakdang pagtatalaga kay dating Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr. bilang susunod na kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez na tinanggap na ni Abalos ang posisyon.
Nagsilbi si Abalos at si House Majority Leader Martin Romualdez bilang mga campaign managers ng UniTeam.
Kasabay nito, sinabi ni Rodriguez na bukod sa kanya, uupo rin sa transition team ni Marcos sina Abalos, dating Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo, dating Manila Rep. Naida Angping at South Cotabato Governor Jun Tamayo.