NAGLABAS ang Senado ng warrant of arrest laban sa dating economic adviser ni Pangulong Duterte na si Michael Yang matapos itong i-contempt dahil sa pangdedma sa ipinatawag na hearing .
Sa isinagawang pagdinig ng Senate blue ribbon committee, inaprubahn ng chairman nito na si Senador Richard Gordon ang motion na i-cite in contempt si Yang dahil sa dalawang beses nitong pag-isnab sa subpoena na ipinadala ng Senado.
Nais ng komite na madinig si Yang kaugnay sa iniimbestigahang “overpriced” personal protective equipment (PPE), face masks at shields na binili ng Department of Health sa pamamagitan ng Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS).
Ilan sa mga supplier ay ang Pharmally Pharmaceutical Corp., na naka-korner ng P8.6 bilyon kontrata noong nakaraang taon.
Si Yang ay sinasabing may kaugnayan sa Pharmally matapos lumabas ang isang video noong 2017 na ipinakikilala niya kay Duterte sa Davao City.