MULING iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang ieendorsong kandidato sa pagkapangulo kahit anim na araw na lamang ang nalalabi bago ang halalan.
“Ulitin ko, may haka-haka palagi na ganito kasi just because I’m seen in the company of them, it’s not that, I’m president, I have to go where my duty mandates me to,” ani Duterte s kanyang Talk to the People Lunes ng gabi.
“Wala. Wala akong kandidato pagka-presidente ngayon hanggang Disyembre. Wala kami, even the Cabinet,” dagdag pa niya.
Paulit-ulit na sinabi ng pangulo na mananatili siyang neutral sa halalan sa kabila ng pag-endorso ng kanyang partido na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Si Marcos ay running mate ng anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.