TINAWAG ni Pangulong Duterte si dating senador Antonio Trillanes IV na duwag.
“Meaning to say, this guy is really a coward. Kasi nandiyan — ano lang siya noon pa sa Makati pasikat-sikat kasi alam niya hindi siya barilin ng mga tao, mga pulis doon kasi iyong mga commander nila puro mga mistah, mga taga — cavalier, eh areglo lang,” sabi ni Duterte, na ang tinitukoy ay ang nangyaring Oakwood Mutiny na pinangunahan ni Trillanes noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na nakahanda si Senator Christopher “Bong” Go na harapin si Trillanes hinggil sa akusasyon nitong korupsyon laban sa kanilang dalawa.
“So, magsabi si Trillanes ng barilan, lalaban man ito ng barilan. Sabihan ng suntukan, lalaban rin ito ng suntukan. Si Trillanes ang umiiskerda,” aniya.
Nauna nang inakusahan ni Trillanes sina Duterte at Go ng plunder na aabot sa P6.6 bilyon.