NANINIWALA si Pangulong Duterte na hindi umano kailangang bastusin ang China dahil sa ginagawa nitong pag-okupa sa West Philippine Sea.
Ganito kung ipagtanggol ni Duterte ang China matapos murahin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang nasabing bansa dahil sa patuloy na pananatili ng mga barko nito sa mga islang nasa WPS na ag-aari ng Pilipinas.
“China remains to be our benefactor and just because — if I may just add something to the narrative — just because we have a conflict with China does not mean to say that we have to be rude and disrespectful,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Lunes ng gabi.
Bagamat hindi direktang pinangalanan ni Duterte si Locsin, nauna nang minura ng DFA official ang China kasabay ng paghahain ng dalawang panibagong diplomatic protest laban sa naturang bansa.
“As a matter of fact, we have many things to thank China for the help in the past and itong mga tulong nila ngayon. China, I know President Xi Jinping, because I was blunt in my — unang kita namin sinabi ko na kaagad about our resources diyan sa West Philippine Sea,” giit ni Duterte.
Sa kanyang tweet, hindi napigilan ni Locsin na murahin ang China.
“China, my friend, how politely can I put it? Let me see… O… GET THE F*** OUT,” sabi ng opisyal.