Duque bayani ng kampanya vs Covid –Duterte

PARA kay Pangulong Duterte, bayani si Health Sec. Francisco Duque III sa kampanya ng pamahalaan laban sa pandemya dahil kumpara sa ibang bansa, mas kaunti ang namatay na Pilipino sa Covid-19.


“We’re doing good in the fight against Covid and Secretary Duque is the hero there,” ani Duterte sa kanyang Talk to the People Lunes ng gabi.


Idinagdag ng Pangulo na mas marami rin ang nakarekober sa sakit kumpara sa mga namatay.


Bago ito ay iprinisenta ni Duque kay Duterte ang kasalukuyang sitwasyon ng Covid-19 infection sa bansa.


Noong Lunes ay mayroong bagong kaso na 7,255, kung saan 2,402 ay mula sa Metro Manila, 1,419 mula sa Calabarzon, 839 mula sa Central Luzon at 2,595 sa iba pang rehiyon.


Ani Duque, bumagsak sa 8,227 ang daily average cases mula sa 8,782 noong nakaraang linggo.