Duterte resign petition umaariba

MAYROON nang mahigit 50,000 lagda ang petisyon na humihiling na pagbibitiw sa puwesto si Pangulong Duterte dahil umano sa pagiging sunod-sunuran nito sa China at sa kapalpakan sa pamamahala sa Covid response.


Ayon kay Dr. Edelina dela Paz, chair ng Health Alliance for Democracy, ang petisyon ay hindi politikal kundi isang “authentic call for the President to step down.”


May titulong “Save the Nation! Duterte Resign!” ang petisyon sa Change.org ay unang nilagdaan ng 500 medical workers, abogado, negosyante, taga-academe at media, at civic leaders.


Sinabi ni dela Paz na ang petisyon ay patunay umano na hindi na nasisiyahan sa pamamahala ni Duterte.
“If he doesn’t step down, then at least, the positive effect of this is it has made more people aware, made more people to be able to stand up and speak up,” aniya sa panayam ng ANC.


“The situation is already too much. You have the pandemic…Tapos ang sitwasyon sa West Philippine Sea is so volatile,” dagdag niya.