TILA urong-sulong nga si Pangulong Duterte kung tatakbo siya sa pagka-bise presidente sa darating na halalan.
Ayon sa Pangulo sa kanyang regular na pagharap sa PUBLIKO na “Talk to the People” nitong Lunes, pinag-iisipan na niya ngayon kung maaari nga siyang tumakbo bilang vice president sa 2022 elections.
Ayon sa kanya, may mga bagay na dapat pa siyang ipagpatuloy kaya’t nag-iisip siya ngayon kung tatakbo pa sa halalan sa susunod na taon.
“But there are things I’d like to continue and that would be dependent on also of the president that I will support. Kasi kung mag-vice president ako then kala — kalaban ko kontra partido kagaya ni Pacquiao, salita nang salita na three times daw tayo mas corrupt,” sabi ni Duterte.
Isinusulong ng PDP-Laban ang pagtakbo ni Duterte bilang bise president, kung saan posible niyang makatambal ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.