Duterte matagal nang may sama ng loob sa COA

ISINIWALAT ni Pangulong Duterte na naging “biktima” rin siya ng “pamamahiya” ng Commission on Audit noong mayor pa siya ng Davao City.


Sa kanyang Talk to the People, sinabi ni Duterte na malaki ang nagastos niya para lamang pabulaan ang paratang ng COA.


“Ang experience ko sa inyo is tatlong beses, tatlong beses ko kayo na-refute. Tapos magkano ang gastos ko? And the humiliation. You go there, appear before the court and you read the information, tapos you are guilty or not. Bayaran mo abogado mo, at least ‘yung gastos niya,” ani Duterte.


Kasabay nito, muli niyang ipinagtanggol si Health Secretary Francisco Duque III sa harap ng COA report hinggil sa umano’y maling paggamit ng P67.3 bilyong pondo nito.


“I am not defending DOH. Trabaho nila ‘yan and we are governed by the rules,” aniya.


“I am not defending because they are not being accused of anything. I’m just sharing my opinion. Iyon kasi kaagad, ‘Duterte is defending DOH from anomalies.’ Ano’ng anomalies diyan? Sabi ko nga, hindi naman sila ang nagbabayad, ang DBM (Department of Budget and Management) man. Iyan ang problema,” dagdag ng Pangulo. –WC