PINIRMAHAN ni Pangulong Duterte ang Executive Order 155 na naglalayong maglagay ng price cap sa presyo ng maraping mga gamot, partikular ang mga nirereseta sa mga sakit na pangunahing nagdudulot ng pagkamatay sa bansa.
Sinabi ni Acting presidential spokesperson Karlo Nograles na layunin ng EO155 na mas maging mura ang mga presyo ng gamot sa bansa.
“This is part of efforts to improve access to affordable, quality medicines and reduce the health-related expenses of our countrymen, consistent with the goals of the Universal Health Care Act,” sabi ni Nograles.
Idinagdag ni Nograles na kabilang sa mga gamot na sakop ng price cap ang 34 drug molecules at 71 drug formula para sa mga sumusunod:
bone metabolism
-analgesics
-anesthetics
-anti-angina
-antiarrhythmics
-anti-asthma and chronic obstructive pulmonary disease medicines, -antibiotics
-anticoagulants
-anticonvulsants
-antidiabetic drugs
-antidiuretics
-antiemetics
-anti-glaucoma medicines
-anti-hypercholesterolemia medicines
-antihypertensive medicines
-anti-neoplastic/anti-cancer medicines
-antiparkinsons drugs
-drugs for overactive bladders
-growth hormone inhibitors
-immunosuppressant drugs
-iron chelating agents,
-psoriasis, seborrhea and ichthyosis medicines
“Section 2 of the EO requires all manufacturers, importers, distributors, wholesalers, traders, and retailers to display the retail price which shall not exceed the MRP,” ayon pa kay Nograles.
Batay sa EO, nahaharap sa multa mula P50,000 hanggang P5 milyon ang mga lalabag.