DINALAW ni dating Bise Presidente Leni Robredo ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development sa pangunguna ni Secretary Erwin Tulfo para pag-usapan ang posibleng partnership.
“We met with DSWD Secretary Erwin Tulfo today to present the programs of Angat Buhay and to explore possible areas of collaboration,” pahayag ni Robredo sa kanyang post sa Facebook.
Ang Angat-Buhay foundation ay isang non-government organization na itinatag ng dating pangalawang pangulo matapos ang kanyang termino. Nagmula ito sa proyekto ng kanyang dating tanggapan noong 2016.
“We look forward to working with the Department of Social Welfare and Development in uplifting the lives of our fellow Filipinos,” dagdag pa ni Robredo.
Ayon naman kay Tulfo, welcome sa kagawaran ang iniaalok na tulong ng dating opisyal.
Anya, inialok ni Robredo ang mga volunteers ng foundation na maaring makatulong ng DSWD sa panahon ng mga kalamidad lalo na sa mga lalawigan.
“Salamat po sa pagdalaw at alok na tulong ng inyong mga volunteers,” ayon kay Tulfo.