Drug war ni Duterte itutuloy ni Bongbong?

ISINIWALAT ni President-elect Bongbong Marcos na pinakiusapan siya ni outgoing President Duterte na ipagpatuloy ang giyera ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.


Ayon kay Marcos, nagkaroon sila ng ilang pagpupulong ni Duterte bago ang halalan dahil siya lang ang nag-iisang kandidato ng administrasyon.


Sa isa sa mga pulong, sinabihan umano siya ng Pangulo na ituloy nito ang laban kontra droga sa gusto niyang paraan.


“The one thing he was very assertive about is ituloy ‘yung anti-drug war na sinimulan niya,” ani Marcos.


“’Do it your own way, palitan mo, pero ‘wag mo iiwanan ‘yan dahil kawawa ang kabataan natin. Talagang nasisira ang mga buhay nila’,” ani Marcos na sinabi sa kanya ni Duterte. –A. Mae Rodriguez