BBM waiting kina Marcoleta, Carlos na makapili ng puwesto

HINIHINTAY pa ni President-elect Bongbong Marcos sina House Deputy Speaker Rodante Marcoleta at retired UP Professor Clarita Carlos na pumili ng gusto nilang posisyon sa pamahalaan.


Ayon kay Marcos, tinatanong muna niya ang kanyang mga ia-appoint kung saan sila magiging produktibo bago siya magdesisyon na ilagay ang mga ito sa puwesto.


“I asked the same question to Ka Dante Marcoleta and I’m still waiting for his answer,” aniya.


Naniniwala si Marcos na malaki ang maitutulong sa kanyang administrasyon ni Marcoleta, ang isa sa mga nagtulak na huwag bigyan ng franchise ang ABS-CBN.


“Definitely with his legal prowess, he will be of great use to us,” aniya.


“The Propesora, we have been in consultation with her. We are asking her, where do you feel you can be most of help? And we are still waiting for her answer,” dagdag niya ang pinatutungkulan ay si Carlos.