WALANG nagaganap na pag-uusap ang Department of Interior and Local Government (DILG) at mga ahensiya sa ilalim nito sa mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) na umano’y nasa bansa na.
Sa press briefing, pinanindigan ni DILG Secretary Benhur Abalos na walang komunikasyon ang kanyang tanggapan at maging ang Philippine National Police (PNP) at mga lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng kanyang pamamahala sa ICC investigators.
Bago ito, naiulat na natapos na ng ICC sa pangangalap sa mga ebidensya kaugnay sa madugong drug war ng Duterte administration.
“As far as our office is concerned, the DILG, I have no knowledge about this. There’s no communication with them, nothing at all,” ani Abalos.
Kaugnay nito, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang aasahan na tulong mula sa pamahalaan ang ICC dahil isang banta sa soberenya ng Pilipinas ang imbestigasyon nito.
Matatandaan na inihayag ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na inaasahang mag-iisyu ng arrest warrant ang ICC laban kay dating Pangulong Duterte at iba pang opisyal matapos makakalap ng ebidensya ang ICC na dumating sa bansa noong Disyembre