PORMAL nang tinanggap ni Pangulong Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban na maging pambato nito bilang pangalawang pangulo sa darating na 2022 elections.
Sa isang statement, sinabi ng PDP-Laban na tinanggap na ng Pangulo ang nominasyon matapos ipakita sa kanya ang “popular call” ng PDP-Laban councils para sa isang “transition of government that will guarantee the continuity of the administration’s programs.”
Naniniwala ang partido na ang pagtakbo ni Duterte bilang vice president ay para masiguro na magtutuluy-tuloy ang programa ng kanyang pamahalaan sa pagtugon sa problema sa pandemya.
“President Rodrigo Roa Duterte agreed to make the sacrifice and heed the clamor of the people and accepted the endorsement of the PDP-Laban party for him to run as vice president in the 2022 national elections,” ayon sa PDP-Laban.