Digong tatanggapin na kung magre-resign si Duque

LUMAMBOT si Pangulong Duterte sa pagdedepensa kay Health Secretary Francisco Duque III at sinabing handa na niyang tanggapin kung magbibitiw ito.


“Kung si Duque will offer to resign voluntarily, tatanggapin ko. Pero kung sasabihin mo na ako magasasabi na mag-resign ka, that will never happen,” ani Duterte sa kanyang Talk to the People.


Nito lamang Biyernes ay sinabi ni Duterte na mananatili ang suporta niya kay Duque kahit pa mag-isa na lang siyang nagtatanggol dito.


“I’m sorry but I said maski mag-isa na lang ako, I will stand for Duque even if it will bring me down,” ayon sa Pangulo.


Kaliwa’t kanan ang natatanggap na batikos ni Duque kaugnay sa umano’y maling paggamit ng P67.3 bilyong pondo para sa Covid-19.


“Basta ako, I will stand by my values. Hindi ako mag-ano ng tao na walang… You know, for all times na ‘yan si Duque na sabihin, ‘Ah dating ano ‘yan oh, pinaalis sa gobyerno dahil ng anomalya.’ You can just imagine. Kung gawain ko sa inyo ‘yan or if it is done to you by — by, in other times and other places, maligayahan kayo?” hirit pa nito. –WC