Caloocan Mayor Malapitan positive sa COVID-19

INANUNSYO Miyerkules ng umaga ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na nagpositibo siya sa coronavirus disease.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Malapitan na maayos naman ang kanyang karamdaman at patuloy na nakarerekober mula sa impeksyon.

“I am sorry to inform you that I have been confirmed positive for Covid-19, I am in good condition and currently recovering,” pahayag ng alkalde.

Tiniyak naman ni Malapitan na magtutuluy-tuloy pa rin ang kanyang trabaho sa gitna ng karamdaman.

“You can hope that I will continue to be on guard on what is happening in our city as I continue to communicate with the various branches of our government,” dagdag pa niya.

Hinikayat niya rin ang kanyang mga naging close contact na magpa-test at mag-isolate.