Digong nanghihina, di kinaya humarap ‘physically’ sa ICC

HINDI kinaya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humarap “physically” sa pre-trial hearing sa International Criminal Court Biyernes ng hapon (gabi sa Pilipinas) sa The Hague, Netherlands dahil sa lagay ng kanyang kalusugan.

Dahil dito, nag-appear na lamang si Duterte sa pamamagitan ng video call, habang represented siya ng isa sa kanyang mga abogado na si dating Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa manipestasyong inihain ni Medialdea, sinabi nito sa korte na hindi kayang humarap ng personal ni Duterte dahil sa bukod sa nanghihinang katawan nito ay hirap na rin itong makarinig at malabo ang mga mata na kinontra naman ng Presiding Judge na si Iulia Motoc.

Ayon kay Motoc, pansin nila na maayos ang lagay ni Duterte nang dumating ito sa bansa at nakita nilang “(he is) fully mentaly aware and fit.”

Sinang-ayunan ng mga doktor na tumingin kay Duterte na hindi nga ito “fit” para humarap ng personal sa korte kaya pinayagan na lamang ito na dumalo via video call.

“The doctors who consulted with you were of the opinion that Mr. Duterte was not in a position to come to the hearing physically but that if he gave a written permission, he would be able to take part via video link,” ani Motoc.

Matatandaan na dumating sa bansa si Duterte via chartered flight Miyerkules ng gabi (oras sa Pilipinas) at dinala sa ICC Detention Center in Scheveningen, The Hague. Nahaharap si Duterte sa kasong crimes against humanity.