NAGHIHINTAY pa ng mensahe mula sa Diyos si Pangulong Duterte kung siya ay tatakbo o hindi sa halalan sa 2022.
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ipinauubaya ni Duterte ang magiging desisyon sa Panginoon.
“A message from God because he has left it to God,” sabi ni Roque nang muling tanungin kung may plano ang Pangulo na tumakbo bilang bise presidente sa susunod na taon.
“Well, I guess, if the President thinks it is God’s will, he will make the proper announcement in due course,” dagdag ni Roque. –WC