Rabiya Mateo sasali sa Miss World?

KAHIT pa umuwing luhaan sa Miss Universe 2020 pageant, hindi titigil si Rabiya Mateo sa Miss Universe sa pagsali sa mga beauty pageants.


Ani Rabiya, ang korona ng Miss World ang susunod niyang target.


Pero dagdag ng beauty queen, wala pa ito sa kanyang mga plano sa kasalukuyan.


“Let’s give it two years siguro. Let’s see,” aniya.


Sabi ni Rabiya na nagulat siya sa trending topic na “Rabiya for the World” na tila pinasasali na agad siya ng publiko sa Miss World.


“I’ve been reading a lot of comments. I remember after I lost, nag-trending agad ‘yung ‘Rabiya for the World’,” pahayag niya.


“I was making jokes na, ‘Hindi pa nga okay ‘yung paltos ko sa paa, gusto n’yo na naman akong sumali!” chika ng beauty queen. –A. Mae Rodriguez