MULING bumanat si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng human rights group sa harap naman ng kasong isinampa laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC)
“You know, I said do not destroy my country. Let the International Criminal Court understand that. Kayong mga human rights dito sa Pilipinas, intindihin ninyo ‘yan kay ‘pag hindi, talagang bobo kayo, mga p***** i** niyo. Kaya ako nasasaktan at marami ‘yan. Where’s justice there?” sabi ni Duterte.
Ito’y matapos siyang kasuhan sa ICC kaugnay ng giyera kontra droga.
“Alam mo, there has to be somebody who will be outraged and who is that person? Ako when I was mayor and then President. Kaya ako brutal sa kanila. Now kung marami pa kayong satsat diyan, sabihin ko sa inyo you destroy my country, you destroy the young of the youth, I will kill you, period,” dagdag ni Duterte.