IPINAGTANGGOL ni Pangulong Duterte ang kontrobersiyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson na si Undersecretary Lorraine Badoy sa ginagawang red-tagging, sa pagsasabing may basehan naman ito.
“But in particular sabihin ko sa inyo na tama si Lorraine Badoy na itong mga party-list na Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, Alyansa of Concerned Teachers or ACT, at Gabriela. Makita naman ninyo sa behavior nila and the way they espouse their advocacy for a party — left, left, left ang talagang drift nila,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People kagabi.
Idinagdag ni Duterte na nakapasok na ang komunistang grupo sa Kongreso.
“No doubt about it. They have used the party-list — eh alam mo bright kasi ‘yung gumawa noon eh,” aniya.
Nauna nang sinampahan ng kaso si Badoy sa ginagawa nitong red-tagging.