MULING bumanat si Pangulong Duterte kina Senator Richard Gordon at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa harap ng patuloy na imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y maanomalyang kontrata sa Pharmally.
“Alam mo sa totoo lang Gordon pati Drilon, hindi ako aabot sa presidency — from my mayorship to the presidency kung corrupt ako kagaya ninyo. Kung tumatanggap ako ng mga — p***** i** — ng mga campaign funds diyan sa mga tao na alam ninyo na gumagawa ng kalokohan kasama ‘yung mga miyembro ng Congress…,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Martes ng gabi.
Tiniyak ni Duterte na walang patutunguhan ang imbestigasyon ng Senado hinggil dito.
“Kayo diyan ang mayroong butas, wala kayong makukuha sa amin. It’s not — it’s not in my system about corruption and money. Ibang bagay siguro masabi mo mayroon akong ano pero hindi sa pera.
“But my personal life, well, there are some those who would like to criticize me. And as a public official, I have to accept the ‘yung criticisms. Pero kung ‘yang sinasabi ninyong pera ako ang abugado ako, ay sus lumang tugtugin na ‘yan,” ayon pa kay Duterte.