Lowest in 8 months: Bagong kaso ng Covid 1,591

Sa kauna-unahang pagkakataon, matapos ang walong buwan, nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamababang bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease.

Sa tala ng Department of Health, umabot lamang sa 1,591 ang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, November 3, 2021.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa 2,793,898 at38,014 ang naitalang aktibong kaso.

Nasa kabuuang 43,586 naman ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus habang 2,712,298 ang nakarekober.

Noong Marso 3 huling naitala ang pinakamababang bilang ng kaso ng COVID-19 matapos makapagtala ng 1,774 new cases.