PINAGSABIHAN ni Pangulong Duterte ang kanyang mga tauhan na huwag siyang tawaging “mahal na Pangulo” o “Ginoong Presidente.”
Ayon kay Duterte, ang “ginoo” sa Tagalog ay “mister,” pero “Diyos” ito sa Cebuano.
“Ang mga Bisaya diyan sa probinsiya, hindi man nila alam kung ano’ng ginoo. Sabi, ‘Bakit naman tinatawag na ginoo ito? Kailan pa ba ito na naging Diyos, itong yawa na itong Duterte na ‘to?” aniya.
Hindi rin niya gustong tinatawag siyang “mahal na Pangulo.”
“Alam naman nila nagmamahalan tayo dito, kaya tayo nagsama-sama because we love our country and that is really the focal point of what we are here for,” aniya.
“So ‘Presidente’ na lang diretso or ‘Mayor,'” dagdag niya.
Matagal naging alkalde ng Davao City si Duterte bago naging pangulo ng Pilipinas.