IPINAUUBAYA na ni Pangulong Duterte kay President-elect Bongbong Marcos kung itutuloy ang rekomendasyon ng economic team na magpatupad ng bagong buwis.
“We leave this matter, and other ways to mobilize resources, to the wisdom of the President-elect’s economic team,” sabi ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar.
Nauna nang sinabi ng economic team na inirekomenda nito sa bagong administrasyon kung paano makakalikom ng pondo para mabayaran ang utang ng pamahalaan.
Umabot sa P13 bilyon ang nautang ng administrasyon ni Duterte para magamit sa gera kontra Covid-19.
Uupo si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno bilang bagong secretary ng Department pf Finance samantalang babalik si National Economic and Development Authority chief Arsenio Balisacan sa kanyang puwesto at si dating University of the Philippines president Alfredo Pascual bilang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI).