Pokwang nag-concede na; ‘Nirerespeto ko BBM Admin’

NAKA MOVE-ON na ang komedyanang si Pokwang sa pagkatalo ng kanyang sinuportahan na kandidato sa pagkapangulo na si outgoing Vice President Leni Robredo.

Gayunman, sinabi ni Pokwang na mananatili siyang isang “proud kakampink.”

“Kung ano man ang meron tayo ngayong administrasyon nirerespeto ko at buong pusong tinatanggap, ngunit nais kong ipagsigawan na ako ay proud na isa ako sa tumindig at patuloy na titindig #loudandproud #proudkakampink,” tweet ng komedyana.

Inilakip niya sa tweet, ang mga boto na nakuha nina Robredo at ka-tandem nitong si Sen. Kiko Pangilinan sa nakaraang eleksyon.