NAGPASALAMAT ang Department of Education sa Commission on Audit sa report nito na nagpapakita na malaki ang improvement ng kagawaran sa maayos na paggamit ng pondo nitong nakaraang taon.
Kumpara sa nagdaang performance, malaki ang naging improvement ng DepEd sa paggamit ng pondo na nakalaan sa 45,000 pampublikong paaralan, 214 SDOs at 16 regional offices at Central Office.
Maayos na naka-comply ang DepEd base sa isinagawang 2020 Consolidated Annual Audit Report.
Sa latest report ng COA, mas naging mataas ang compliance rating ng DepEd bagamat mayroon pa ring mga “misstatement”.
Gayunman, iginiit ng DepEd na ang mga “misstatement” na ito ay hindi nangangahulugan na merong korupsyon o malversation of funds sa bahagi ng kagawaran.
“The nature of the observation issued by the Commission is a way for the audited agency to rectify deficiencies and improve the management of its budget through the former’s recommendation,” ayon sa kalatas ng DepEd.