MASAYANG inanunsyo ng TUCP Partylist na pirma na lamang ni Pangulong Duterte ang kulang para maging ganap na batas na ang panukala na maglilikha ng Department of Migrant Affairs.
Ito ay matapos hindi na kailangang mag-bicameral conference pa ang Kamara at Senado dahil inadopt ng Mababang Kapulungan ang bersyon ng Senado na hindi rin malayo sa bill na unang isinumite ni Rep. Raymond Mendoza.
“We are awaiting the signing into law by President Rodrigo Duterte.vThis is the TUCP Partylist Christmas Gift to the OFWs, the Seafarers, their families and to the entire Filipino nation,” ayon sa kalatas ng TUCP.
“We thank all those who struggled and fought with us for three years – land-based OFW workers groups, sea-based workers group, including Associated Philippine Seafarers Union (APSU), and Associated Marine Officers and Seamen’s Unions of the Philippines (AMOSUP), the non-government organizations led by the Ople Center, and the Joint Manning Group (JMG). Mabuhay ang ating mga OFWs ang mga Bagong Bayani,” dagdag pa ng TUCP.
Isinusulong ng TUCP ang Department on Migrant Affairs para higit na mapabilis ang paglalaan ng suporta at tulong sa mga overseas Filipino workers at kanilang pamilya.