KUNG meron umanong pasaway at hindi sumusunod sa health protocol, iyan ay ang mga opisyal ng Department of Environment.
Ito ang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno ngayong Martes kasabay ang paghamon sa national task force sa COVID-19 pandemic na kasuhan ang DENR officials sa pag bukas nito ng dolomite beach sa Maynila kamakailan dahilan para dagsain ito ng libo-libong tao.
Sinasabing lagpas sa 10,000 katao ang dumagsa nitong nakarating linggo sa dolomite beach at pinangangambahan na maging “super spreader,” ito.
“Sila ang nagpapatupad, sila din ang lumalabag,” ayon kay Moreno sa panayam ng ANC.
File charges in violation [of health protocols] sa mga kapwa nila nasa national government,” ani Moreno.
“If they cannot implement it within their offices, then there is no point implementing it sa mga taongbayan,” dagdag pa nito.