KABILANG si Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte sa grupo ng mga mambabatas na nagtutulak sa pagbabalik sa parusang kamatayan.
“While it can be argued that one’s death will never commensurate his/her crimes, the fear of death as punishment serves as deterrence hindering potential criminals to commit such crime,” giit ni Duterte sa House Bill No.501 na inihain niya kasama sina Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Party-list Reps. Edvic Yap at Jeffrey Soriano.
Sa ilalim ng panukala, maaaring isakatuparan ang death penalty sa pamamagitan ng pagbigti, firing squad at lethal injection.
Ang mga krimen naman na may parusang kamatayan ay ang mga sumusunod: treason, qualified piracy, qualified bribery, parricide, murder, infanticide, rape, kidnapping or serious illegal detention, robbery with violence, destructive arson, plunder, importation, manufacture, and trading of dangerous drugs, carnapping, at planting of evidence.
“Now more than ever is the time to restore the death penalty in the country because we must not be too complacent with these criminals at the expense of the safety of the whole nation,” ayon sa mga mambabatas.
Samantala, inihain naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang panukala na nagpapawalang-bisa ang Republic Act (RA) No.9346 na ipinagbabawal ang pagpataw ng parusang kamatayan sa bansa.
“Since the government has the highest interest in preventing heinous crimes it should use the strongest punishment available to deter unlawful acts—the death penalty,” giit ni Barbers.