MIGRAINE at hindi mild stroke ang dahilan ng pananakit ng ulo at panghihina ni Sen. Leila de Lima, ayon sa kanyang kampo.
Maayos na ang pakiramdam ng senadora matapos ang tatlong araw na checkup sa Manila Doctor’s Hospital.
“De Lima’s Brain Magnetic Resonance Imaging (BMRI) imaging and CT angiography showed no evidence of stroke (acute infarct or hemorrhage),” ayon sa kalatas mula sa tanggapan ni de Lima.
“De Lima experienced episodes of migraine headaches triggered by hot environment, poor ventilation and noise. This was associated with benign paroxysmal positional vertigo and reactive hypertension,” dagdag nito.
Kahapon ay ibinalik si de Lima sa kanyang detention cell sa Camp Crame na ayon sa kanyang kampo ay masyadong mainit kaya kailangang kumpunihin para pumasok ang hangin at lumamig nang konti.
Matatandaang pinayagan ng korte na maospital ang senadora matapos niyang idaing sa kanyang doktor ang madalas na pagkahilo at panghihina na inakala noong una ay palatandaan ng mild stroke.
Mula pa noong 2017 ay nakadetine na si de Lima dahil sa mga kasong may kaugnayan sa droga.