De Lima balik-selda

LUMABAS na ng Manila Doctors Hospital si Sen. Leila de Lima matapos ang tatlong-araw na medical furlough.


Pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court branch 205 at 256 si de Lima na magpa-checkup sa ospital sa pangambang nagkaroon ito ng mild stroke.


Nang suriin ng kanyang doktor na si Meophilia G. Santos-Cao noong Abril 21 ay idinaing ng senadora ang madalas niyang panghihina at pananakit ng ulo.


Sumailalim si de Lima sa brain magnetic resonance imaging at blood chemistry. Hindi naman sinabi sa ulat kung may resulta na ang mga pagsusuri.


Nakakulong si de Lima sa PNP Custodial Center dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.