DBM: Natitirang disaster fund aabot pa sa P6.8B

SINABI ng Department of Budget Management (DBM) na may natitira pang P6.8 bilyon sa pondo ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) para sa 2022 sa kabila ng sunod-sunod na kalamidad sa bansa.

“In the aftermath of natural disasters and other calamities, concerned agencies can tap on the remaining P6,863,219,462 in NDRRMF for the rest of 2022, subject to applicable provisions in the 2022 General Appropriations Act (GAA),” sabi ng DBM.

Idinagdag ng DBM na ito ay bahagi ng P20 bilyong kabuuang pondo para sa disaster risk reduction and management para sa taong ito.

Sa kabuuang P20 bilyong budget, P19 bilyon ay inilaan para sa programmed appropriations ng NDRRMF, at P1 bilyon naman para sa Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program (MRRP).

Para sa 2023, aabot sa P31 bilyon ang inilaan pasa sa NDRRMF.

“To improve the government’s response to calamities, the DBM has increased the NDRRMF from this year’s P20 billion to P30 billion, plus a P1-billion budgetary allocation for the Marawi Siege Victims Compensation Fund under the 2023 National Expenditure Program (NEP),” ayon pa sa DBM.

Pinakahuling nanalasa sa bansa ang Severe Tropical Storm Paeng.