NANINIWALA si incoming national security adviser Clarita Carlos na climate change at hindi ang territorial dispute sa China o ang Russia-Ukraine conflict, ang tunay na banta sa seguridad ng bansa.
Sinabi ni Carlos na lumikha ng chain reaction ang environmental concerns na nakakaapekto sa pagkain, tao at pambansang seguridad, lalo na sa mga umuunlad na bansa tulad ng Pilipinas, na nagdadala ng matinding epekto ng global warming.
Ayon pa kay Carlos, mananatiling pangako ang tinaguriang powerhouse nations na bawasan ang carbon emissions sa 2030 dahil marami sa kanila ang bumalik sa paggamit ng mga enerhiya na nakapipinsala sa kapaligiran.
“India is going back to coal, some countries are going back to using fossil fuel. That is the reality on the ground,” ayon kay Carlos.
“The promises of de-carbonization by 2030, 2050, they are by the wayside in the meanwhile because human survival is at the highest premium,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Carlos na dapat simulan ng gobyerno ang pag-recalibrate ng mga patakaran sa pangangalaga sa kapaligiran.