Party ng Leni-Kiko tandem di sinipot ng mga sikat

IILANG artista lamang ang dumalo sa thanksgiving party nina outgoing Vice President Leni Robredo at outgoing Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Idinaos ang salo-salo ng natalong tandem para sa mga artistang nag-volunteer sa kanilang kampanya.

Kabilang sa mga celebrities na namataan sa party sina Agot Isidro, John Lapus, Edu Manzano, Cherry Pie Picache, Janno Gibbs, Mylene Dizon, Jake Ejercito, Nikki Valdez, at Gab Valenciano.

Wala sa okasyon ang mga A-listers na kilalang kakampinks gaya nina Angel Locsin, Anne Curtis, Vice Ganda, Iza Calzado, Gary Valenciano, Pokwang, Regine Velasquez, Jolina Magdangal, Jane de Leon, Andrea Brillantes at iba pa na ikinampanya ang Leni-Kiko tandem.

Samantala, sinabi ni Gab na tuloy ang kanyang pantindig sa Tropang Angat Buhay.

“Thankful. Grateful. Blessed. No matter the circumstance or outcome; no regrets, no doubts, no fear,” aniya.

“We stood for what we truly believed in and that is and always will be more than enough. Let us move forward to bigger, greater and brighter things, and may the Lord bless this beautiful nation exceedingly and abundantly. Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay tayong lahat. Angat Buhay Lahat. Nakaka-excite. Tuloy ang pagtindig,” dagdag niya.