Chinese mafia nasa likod ng smuggling ng sibuyas

NANINIWALA si Albay Rep. Joey Salceda na may sindikato ng mga Chinese nationals ang nasa likod ng smuggling ng mga agricultural products kabilang na ang sibuyas.

“There is Class A information from our various sources that this mafia is in control of agricultural smuggling in the country, at every stage of the smuggling process, from transport to arrival to import permits and sanitary inspection,” pahayag ni Salceda sa isang kalatas nitong Sabado.

“Intelligence sources tell us that the main characters are Chinese, or their associates. The tentacles are all over, but I am told that it is a small group, so if we can get to the core group, we should be able to pin the system down,” dagdag pa ng kongresista.

Dahil dito, tiniyak ni Salceda na gagawin ng kanyang komite (Ways and Means) ang lahat para matunton ng pamahalaan ang nasabing mafia na siyang sumisira sa ekonomiya ng bansa.

“President Marcos wants to fight the double whammy of high domestic agri prices and high rates of agri smuggling which benefit only the smugglers. We join him in that fight,” anya.

Dagdag pa ni Salceda na sisiguruhin niya na mapatutupad ang oversight function ng komite para pakilusin ang mga task force ng Department of Agriculture and Bureau of Customs task force at regulasyon laban sa agricultural smuggling.

Ilan lamang sa mga naipuslit sa bansa ay ang pula at puting sibuyas na ngayon ay triple ang presyo kung ikukumpara sa halaga nito noong 2021.