Chavit Singson umatras, di na tatakbong senador

NAGDESISYON si dating Ilocos Sur governor Chavit Singson na huwag nang ituloy ang kanyang kandidatura sa pagkasenador dahil sa problema sa kalusugan.

Sa kanyang speech sa harap ng kanyang tagasuporta sa Mall of Asia nitong Linggo, sinabi niyang ayaw niyang magdusa ang kanyang kalusugan kapag itinuloy pa niya ang pagtakbo sa Senado.

“Matapos ang mahabang pag-iisip, ang desisyon ko po, hindi na po ako tutuloy sa aking kandidatura sa Senado,” ani Singson.

“Ramdam ko po ang inyong pagmamahal sa akin at inyong patuloy na paniniwala sa akin, ang overwhelming na suporta. Alam ko sa puso ko, panalo na ako,” pahayag pa nito.

Dagdag pa nito, kailangan niyang magpalakas nang husto para makapaglingkod.

“Gusto ko pong makapaglingkod sa inyo ng buong puso at buong tapat kaya’t minabuti kong unahin muna ang aking pagpapalakas para lalo pa ako makatulong at makapaglingkod sa inyong lahat,” dagdag pa nito.