TILA nagpapasalamat si Sen. Alan Peter Cayetano na tapos na ang panahon ng presidente ng Pilipinas na nagmumura.
Sa isang panayam, sinabi ni Cayetano na inaasahan niya na maibabalik ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kagandahang asal sa mga Pilipino, partikular ang hindi pagmumura sa publiko.
“Etiquette sa social media. Do we really have a curriculum o module man lang? Have we come together to say na ‘Okay guys, hindi okay magmura.’ Tapos na ‘yung period na may nagmumura tayong pangulo,” ani Cayetano.
Hangad din ng senador na sa pamamagitan ni Marcos ay maibaon sa isipan ng publiko, lalo na sa mga bata, na hindi magandang asal ang pagmumura at pambabastos sa kababaihan.